Goodbye Boracay, Hello Dumaguit!

Pin It


Maaga akong nagising. Gusto kong maligo sa dagat ng maaga kasi 12 pm ang check-out namin. Naligo uli kami nila Megan at Rap after breakfast. Nag-picture taking na rin kami.

Ang itim na ni Rap!!!


By 12 noon, we were on our way to Caticlan. We had a quick meal at Andok's (for the nth time!) and boarded the Ceres bus that will take us to Kalibo. We were headed for Dumaguit to stay with Megan's relatives. Dun na kami manggagaling before we ride the ship to Manila.

Meron sanang mga van from Caticlan to Dumaguit. Kaya lang 200 pesos per person ang fare. Ang Ceres bus to Kalibo was only 70 pesos. From Kalibo, we hired a tricycle for 150 pesos to take us to Brgy. Dumaguit, New Washington, Aklan.

We reached Manong Ariel and Manang Orfa's residence at 3pm. Nakakatuwa kasi naghanda pa talaga sila ng merienda for us. Manong Ariel Vista is a police officer assigned at Dumaguit port. His brother, Manong Lloyd is also a police office pero assigned siya sa bayan ng New Washington. They are cousins of Daddy Jun's brother-in-law, Dong (daddy ni Megan).

Dinala kami ni Manong Lloyd sa pier ng Dumaguit before sunset. Doon, nakabili kami ng tig-isang balde ng talaba at tahong for only 100 pesos. Yun ang dinner namin. Parang fiesta. Nagkatay sila ng manok for us. Yung talaba at tahong na binili namin ay na-steam and served with sukang maanghang. Naku, ganado ang lahat. Paano ba naman, dito sa Laguna ang mahal mahal ng talaba ano!


Enjoying the sunset at Dumaguit Pier



Add to Technorati Favorites

Boracay Boat Tour

Pin It


Pagbaba namin sa beach, marami nang lumapit na nag-aalok ng snorkeling and boat ride. Asus! Ayan na naman! Bumalik sa akin ang trauma ng nakaraan. Pero, I thought, what the heck! it's now or never! Basta sinigurado ko lang na malaki ang boat, as in good for 30 persons. At yung hagdan matibay naman, yung boatman payat. Dun kasi kami nadale the last time. We were able to rent the boat for 1 K.

9 am, we set sail for Crystal Cove. Crystal cove is the newest attraction in Bora. Para siyang park and mini-zoo on an island. May picnic huts, restaurant, and souvenir shop. Tumuloy kami sa Cave 1 at inakayat namin ang steps papunta sa opening nito. Along the way, we got a magnificent view if the sea. Pagdating sa opening, may stairs leading down to the cave. Sa loob ng cave pwedeng maligo at pag-picture taking. Ang linaw ng tubig, maganda ang view. Promising ang lugar, siguro in 2 years time, magandang maganda na ang lugar and worth na ang entrance fee. 20 minutes lang ang itinagal namin sa p[lace. 4 hours lang kasi ang rental ng boat. Mas gusto naming magtagal sa pag-snorkel.


Mama and Tita Ops, all set for snorkeling!


Next stop... Crocodile Island. The island earned its name kasi crocodile shaped siya kung titignan from afar. Di naman kami actually nag-land sa island. Dun lang kami sa snorkeling area. Hindi na ako nagdalawang isip na bumaba sa tubig. Armed with my life vest and snorkeling gear, I witnessed the underwater scene. Fishes of all colors and sizes, corals of all shapes. Sayang lang, si Rap takot bumaba sa tubig kaya sila ni Megan nasa boat lang at nagpapakain ng lumang tinapay sa mga isda.


Daddy Jun snorkeling



Megan and Rap decided to stay on the boat



On the way to Puka Beach


We had lunch on one of the restaurants in Puka Beach. We had Garlic Prawns in Honey tapos Sinigang na Baboy. Ang sarap ng food at enjoy sanang magtagal pa. Kaya lang hanggang 1pm lang ang boat namin kaya nagmadali na rin kaming bumalik.

On the way pabalik ng Pearl nakita namin ang nag-gagandahang resorts sa tagong lugar ng Bora. Marami ding foreigners na hubo't hubad na nagsa-sun bathing.

Add to Technorati Favorites

Boracay Day 1

Pin It


Pearl of the Pacific

We reached Station 1 at nag check-in kami sa Pearl at 2:45 pm. Hindi pa kami nag-lunch ni Daddy Jun. Si Rap buti na lang nabilhan ko ng cup noodles sa barko. Habang hinihintay na maayos ang room namin, kumain muna kami ni Rap sa Princessa Rita, ang resto ng hotel. Daddy Jun had to attend a meeting thru phone conference. Nag-order ako ng Marinara and Rap had choco mango crepe. After 30 minutes dumating na rin sila Mama, Tita Ops, and Megan from Bacolod at sabay sabay na kaming umakyat sa kwarto.

Ok lang ang room, not too small and not too big. Kaya lang we had to request for towels pa. May pitcher and glasses pero wala namang drinking water. Pero I'm glad that we were able to get extra beds at no additional cost.

We all decided na magpahinga muna sa room. Pare-pareho kaming pagod sa byahe.

Room 425, Pearl of the Pacific



D' Mall

Around 8 pm bumaba kami to have dinner. Kahit pagod ang katawan, excited pa rin kamin na maglakad along the beach front. Along the way, we passed by children who made amazing sand castles. Natatawa nga ako kay Megan at Rap at kuhang-kuha nila ang mga sinasabi ng mga bata na "Donation po, Ma'am, Sir."

Nakarating kami sa D' Mall and had dinner sa Andok's. Iba ang Andok's dito sa Boracay (meron din sa Caticlan Port). Pang dine-in ang facilities. Kahit paano we were within our budget for each meal.

We planned to stay in a bar and experience the Bora nightlife. Kaya lang, ang alaga kong "sawa" (Rapido), matapos mabusog ay nakatulog sa kinauupuan niya. Nag-tricycle na kami pabalik ng hotel. Riding the tricycle is a luxury here. 40 pesos ang special trip.

Nakatulog agad kami pagbalik namin sa room. Dumagdag pa sa kapaguran namin ang pag-akyat sa pagkataas-taas na steps patungong hotel room. Nasa may hillside kasi kami, sa Tree Lounge.

Add to Technorati Favorites

Roro? Never Again!

Pin It


We boarded the Boracay Phitranco bus from Turbina Calamba terminal at 10:30 p.m. Mas malapit kasi ang Turbina Terminal sa Sta. Rosa kesa manggaling pa kami sa Pasay. We reached Batangas port about 12 midnight. Ralph was already sleeping. The passengers were asked to get off the bus to board the M/V Maria Rebecca. Kumuha lang kami ng snacks and important belongings from our traveling bag. Ila-lock kasi ang door ng bus pag naka-park na sa ilalim ng ship.

Hanggang sa roro, sulat pa rin! I don't want to forget even a single detail.



Ang tagal bago umandar ang barko. Walang matinong higaan. Puro monobloc benches lang. Kung gusto mong humiga, paraparaan na lang. Si Rap nga pinahiga lang namin on one of the benches tapos kinumutan ko na lang ng sarong para di mahamugan. Open deck kasi. Mainit sa barko habang naghihintay.

1:15 am - The ship sails off to Calapan, Mindoro. Punong-puno na ang barko ng mga byahero. Buti na lang, pangalawa ang bus namin sa nag-park sa loob ng barko. At least, Daddy Jun and I had the chance the find the most decent seats.

2:14 am - I needed to relieve myself so umakyat ako sa third floor para mag-CR. Yikes!! Sobrang dumi. Buti na lang kahit paano may tubig. On my way down napansin kong may tinutumbok kaming island na maraming ilaw. Naisip kong Mindoro na iyon. Sabi kasi ng conductor ng bus, 2 hours lang daw ang byahe hanggang Calapan. Nakakaisa na kami. Hindi na ako nakabalik sa pagtulog ko sa ingay ng mga dalagang nagchichikahan sa kabilang table.

2:41 am - May baby na iyak ng iyak. Dalawang lola ang naghehele sa kanya para makatulog. Sa di kalayuan natutulog ang nanay niya. Naalala ko tuloy si Rap noong baby pa siya. Ako rin lang ang mag-isang nag-alaga sa kanya hanggang nag-four months siya at dumating na si Janet. Kahit na noong nandoon si Janet, ako rin lang ang tumatayo sa gabi para umintindi sa mga pangangailangan niya. Ngayon, unti-unti na siyang natututong mag-asikaso sa sarili niya. Kaya na niyang mag-toothbrush at mag-bihis mag-isa. Ilang taon na lang at hindi na niya kakailanganin ang tulong ko. Nakaka-inip din dahil gusot ko na ring kahit konti ay madagdagan ang oras ko para sa sarili ko. Sa isang banda, mami-miss ko ang panahon na ako lang ang makapagbibigay ng mga kailangan niya.



Tulog na tulog sa bench ng M/V Maria Rebecca on the way to Mindoro



3:45 am - Nakasakay na uli kami sa bus. Mga 15 minutes din ang hinintay namin bago nakababa ang bus from the ship.

6:30 am - Breakfast Stop-over. At the same time nagkaroon ako ng chance na makahilamos at mag-toothbrush. After 30 minutes umalis na ang bus patungong pier. Mga 2km lang yata ang layo nun mula sa kinainan namin. Sumakay kami ng M/V Maharlika 7. Mas malaki ito compared to Maria Rebecca.

8:30 am - Umalis an ang barko ng pier ng Roxas, Mindoro patungong Caticlan. Mas disente ang mga upuan. Enjoy si Rap kasi nakakapaglaro siya sa viewing deck sa taas. By this time, kakilala na rin niya yung mga ibang batang kasakay din namin sa bus. Kami ni Daddy Jun, soundtrip ang drama sa buhay. Sa totoo lang, I was starting to get tired of the whole trip.



Daddy Jun on the open deck of M/V Maharlika 7 on the way to Aklan



12:45 pm - We arrive at Caticlan Jetty Port. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng lugar. Dati mga pump boats lang ang pwedeng dumaong dito. Mga 30 minutes pa ang hinintay namin bago namin nakuha ang mga gamit namin sa bus at makasakay sa banca putungong isla. Sa isip-isip ko, hindi na mauulit ang roro trip na ito.




Caticlan Jetty Port at last! M/V Maharlika 7 up close.



Add to Technorati Favorites