Roro? Never Again!

We boarded the Boracay Phitranco bus from Turbina Calamba terminal at 10:30 p.m. Mas malapit kasi ang Turbina Terminal sa Sta. Rosa kesa manggaling pa kami sa Pasay. We reached Batangas port about 12 midnight. Ralph was already sleeping. The passengers were asked to get off the bus to board the M/V Maria Rebecca. Kumuha lang kami ng snacks and important belongings from our traveling bag. Ila-lock kasi ang door ng bus pag naka-park na sa ilalim ng ship.

Hanggang sa roro, sulat pa rin! I don't want to forget even a single detail.



Ang tagal bago umandar ang barko. Walang matinong higaan. Puro monobloc benches lang. Kung gusto mong humiga, paraparaan na lang. Si Rap nga pinahiga lang namin on one of the benches tapos kinumutan ko na lang ng sarong para di mahamugan. Open deck kasi. Mainit sa barko habang naghihintay.

1:15 am - The ship sails off to Calapan, Mindoro. Punong-puno na ang barko ng mga byahero. Buti na lang, pangalawa ang bus namin sa nag-park sa loob ng barko. At least, Daddy Jun and I had the chance the find the most decent seats.

2:14 am - I needed to relieve myself so umakyat ako sa third floor para mag-CR. Yikes!! Sobrang dumi. Buti na lang kahit paano may tubig. On my way down napansin kong may tinutumbok kaming island na maraming ilaw. Naisip kong Mindoro na iyon. Sabi kasi ng conductor ng bus, 2 hours lang daw ang byahe hanggang Calapan. Nakakaisa na kami. Hindi na ako nakabalik sa pagtulog ko sa ingay ng mga dalagang nagchichikahan sa kabilang table.

2:41 am - May baby na iyak ng iyak. Dalawang lola ang naghehele sa kanya para makatulog. Sa di kalayuan natutulog ang nanay niya. Naalala ko tuloy si Rap noong baby pa siya. Ako rin lang ang mag-isang nag-alaga sa kanya hanggang nag-four months siya at dumating na si Janet. Kahit na noong nandoon si Janet, ako rin lang ang tumatayo sa gabi para umintindi sa mga pangangailangan niya. Ngayon, unti-unti na siyang natututong mag-asikaso sa sarili niya. Kaya na niyang mag-toothbrush at mag-bihis mag-isa. Ilang taon na lang at hindi na niya kakailanganin ang tulong ko. Nakaka-inip din dahil gusot ko na ring kahit konti ay madagdagan ang oras ko para sa sarili ko. Sa isang banda, mami-miss ko ang panahon na ako lang ang makapagbibigay ng mga kailangan niya.



Tulog na tulog sa bench ng M/V Maria Rebecca on the way to Mindoro



3:45 am - Nakasakay na uli kami sa bus. Mga 15 minutes din ang hinintay namin bago nakababa ang bus from the ship.

6:30 am - Breakfast Stop-over. At the same time nagkaroon ako ng chance na makahilamos at mag-toothbrush. After 30 minutes umalis na ang bus patungong pier. Mga 2km lang yata ang layo nun mula sa kinainan namin. Sumakay kami ng M/V Maharlika 7. Mas malaki ito compared to Maria Rebecca.

8:30 am - Umalis an ang barko ng pier ng Roxas, Mindoro patungong Caticlan. Mas disente ang mga upuan. Enjoy si Rap kasi nakakapaglaro siya sa viewing deck sa taas. By this time, kakilala na rin niya yung mga ibang batang kasakay din namin sa bus. Kami ni Daddy Jun, soundtrip ang drama sa buhay. Sa totoo lang, I was starting to get tired of the whole trip.



Daddy Jun on the open deck of M/V Maharlika 7 on the way to Aklan



12:45 pm - We arrive at Caticlan Jetty Port. Nagulat ako sa malaking pagbabago ng lugar. Dati mga pump boats lang ang pwedeng dumaong dito. Mga 30 minutes pa ang hinintay namin bago namin nakuha ang mga gamit namin sa bus at makasakay sa banca putungong isla. Sa isip-isip ko, hindi na mauulit ang roro trip na ito.




Caticlan Jetty Port at last! M/V Maharlika 7 up close.



Add to Technorati Favorites

Comments

Mauie Flores said…
Thanks for the visit! I'll keep you posted should I find affordable travel deals.
Lhen said…
i love to travel but most of the time my close friends can't go with me, could you recommend any group travel agencies that i can join? affordable and just around the country for the start to travel with people, i would really appreciate your help..i am inspired by your experiences..good day, and more exciting trips!