LP 140: Karampot o Kaunti

Halos kahit saan ako magpunta ngayon, mayroon akong nakikitang batang naghahanap-buhay para lang may makain. Sila ang mga batang kakaunti lang ang pagkakataong magkaroon ng magandang buhay. Dahil kailangang tumulong sa kanilang mga magulang sa pag-dagdag ng panggastos sa araw-araw, kaunti na lang ang kanilang oras maglaro at mag-aral. Napakalayo ng buhay ng batang ito sa buhay ng anak ko. Masaya ako at kahit paano ay sigurado na akong may mararating siya sa buhay. Ngunit nakakalungkot din na mas kaunting batang Pilipino ang nakakaranas ng kasaganhang nararanasan ng anak ko.



2010-04-24 Negros Day 3 Low Resolution-46


Ang larawang ito ay kuha sa Canonoy Beach Resort sa Hinigaran, Negros Occidental. Sa maniwala kayo't sa hindi, iyang paslit na iyan ay nagtitinda ng mga bracelet na gawa sa sigay kasama ang kanyang lola. Sa kanilang pag-iikot sa resort ay namumulot na rin sila ng panggatong.

Isa ka bang Pinoy photo enthusiast? Sali na sa amin sa Litratong Pinoy!

Did you like my post? CLICK THIS to have my posts delivered straight to your email inbox.

Comments

silentprincess said…
kakaawa nga ang mga batang paslit pa lang ay nagtatrabaho para sa kakakurampot na kita...
lino said…
ganda ng kuha, ganda ng ilaw... :)
zoan said…
photo enthusiast din ako, kaya lang gusto ko ako ung nasa photo. ehehe

visiting you here from mommy peh's link exchange of travel blogs :)
tina said…
i just hope he is studying...
kayni said…
i salute that kid - very hard worker. i hope he'll sell a lot today - wherever he is.